Thursday, November 5, 2009

In My Life

Bago umuwi kanina nag malling kami ni Ash at dumaan kami sa Video City. Humiram sya ng In My Life. Many have raved comments about this flick and am interested. So while having lunch nanood kami. Indeed amazing nga yung film. It was something which we can relate with, moving, mabigat sa damdamin. There were light moments naman na medyo tatawa ka pero yung mga scenes na drama eh panalo talaga!

This is not your ordinary gay movie as it does not really tackle gay issues but of a mother-son relationship (ay halo na ring "friends" dyan). Pang pamilya eka nga.

Again, I rarely watch pinoy films/movies BUT this one is definitely good!

Ang sarap sanang makita na mas marami pang smooching scenes sina John Lloyd at Luis kasi mas nakakakilig at nakakadala sa mapusok kong damdamin, yun nga lang eh iisa lang...

I bet ang pag arte ni Luis/Lucky eh natural na natural dahil para sa akin ay bading sya! Feeling ko sasama sya sa kwadra ni Rustom years from now. Hindi ba't nabalitang silahis din naman ang kanyang ama? Hindi naman ako mosang sa showbiz, komento lang... I luv yah Luckeeeee... Lucky Me!

Naalala ko tuloy ng manood din ako ng isa pang flick ni John Lloyd (with Bea naman ito) ang One More Chance. Mega din ang iyak ng lola mo (kasi isa akong emosyonal na bakla) habang nanonood ako mag-isa sa kwarto at hindi ako nakapasok sa trabaho kinagabihan kasi napuyat ako kakaiyak, lolz.

Mabalik tayo sa In My Life. Sadyang marami ka nga namang mapupulot na scenes dito na makaka-relate ka kaya iiyak ka kasi hindi surreal ang mga tagpo sa pelikula. Mabigat man ito ay hindi lamang dahil sa magaling na pag-arte ng mga artista (si Vilma at John Lloyd lang ang tinutukoy ko dito) kundi dahil sa makatotohanan ito na malamang eh minsan sa iyong buhay ay naranasan mo na. Recommended na panoorin ng mga bading na tanggap na ng kanilang pamilya at baka mainggit lang ang mga kloseta sa harap ng kanilang mga pamilya.

Overall the movie was really wonderful only that we find that the death of Mark (Luis) was a disconnect on the whole movies plot though it paved the way to more dramatic scenes on the movie. Parang itinagpi lang yung death ni Mark sa pelikula upang mapagbigyan yung mga susunod na scenes which are heavy din. Sa kabila nito eh okay naman yung mga sumunod na scenes kasi magugulat ka sa pag babangayan nila Noel (John Lloyd) at Shirley (Vilma) kun saan sinapak, este, sinampal lang pala, ni Noel ang ina ng kanyang minamahal. Pero swak ang mga dayalogo! Magaling!

Sa haba man ng review ko, sa tingin ko eh kulang pa rin ngunit hanggang dito na lang muna. Panoorin nyo na lang at bumuo ng sarili nyong kuro-kuro ukol sa pelikula at mga isyu na dala nito.

0 comments: