Papipiliin kita.
Kun ikaw ay ako sino ang mas gugustuhin mo? Yung bata o yung nakatatanda (sa bata)?
Hindi naman siguro masamang magmahal ng mas bata kesa sayo (sabihin na nating - bata). Bakit ko nga naman hindi pipiliing magmahal ng mas bata kesa sakin kung mas nararamdaman ko naman ngayon na may nagpapahalaga sa akin, may nakakaalala, hindi sumasakit ang ulo ko, wala akong pinagdadaanang mga problema, sakit sa ulo at ang walang pakundangang paghingi ng kun anu-ano?
Bakit nga ba ako mangangamba kun dama ko naman sa bawat yakap at halik nya ang inaalay nyang pagmamahal? Bakit nga ba ako magdadalawang isip pa kun sabi nga naman nya ay mahal na mahal din nya ako? Kun sa bawat sandali na magkasama kami ay masaya kami bakit hindi nga, di ba? At sa tuwina ay mami-miss namin ang isa't-isa, why not di ba?
Kun titingnan natin ang nakaraan lagi kong sinasabi sa sarili ko at sa mga kaibigan ko na bakit ka pa magmamahal ng isang lalake kun sa bawat araw na lang na ginawa ng Dyos ay nagaalala ka, nagiisip ka, masakit ang ulo, hindi ka makatulog, masama ang loob mo, maiiyak ka, and on top of all these hihingian ka pa??? Gaano ba ka fair ang buhay? Nag boyfriend ka pa, di ba, kun gayan din lang naman. Nag boyfriend ka pa kun di mo naman dama na may BF ka pala...
Siguro ngayon OO hindi kagandahang tingnan kasi mas matanda naman ako ng di hamak sa kanya. May edad na ako. Bata sya. Pero darating din naman ang panahon na wala na itong saysay (kun aabot kami sa ganon).
Minsan nga natanong ko sa kanya kun bakit ako pa? Naisip namin kahit paano matured din kasi sya magisip. Siguro mas gusto nya yung mas may edad na sa kanya kasi nga naman mas may halaga sa buhay ang isang matinong relasyon kesa sa puppy love, kesa sa infatuation. Masaya kase magkasundo kami sa isang bagay- ang maniwala na may Karma. Ayaw naming lokohin ang aming mga sarili, ayaw din naman naming lokohin ang isa't-isa. Baka nga naman daw bumalik sa amin ito. At bakit nga naman kami babalik sa nakaraan kun parehas naman kaming nasaktan at naloko ng aming mga minamahal dati?
Masaya... July 2... One week na...
Mamaya pa sya darating. Sigurado ako, pagdating nya ulet pupunta sya kaagad dito sa akin para magkasama kami at makapag kwentuhan. Madalas wala naman kaming magawa kundi ang mahiga na lang at yakapin ang isa't-isa. Madalas ganun lang. Pahinga.... Ang mahalaga- masaya. Masaya yung nadarama mo na mahal ka ng yumayakap sayo at totoo sya. Masaya... Masarap ang magmahal. Mas masarap pa kesa sa banyagang tsokolate.
Kaibigan, hayaan mo, makikilala mo rin sya pagdating ng panahon. Sa ngayon hindi pa siguro. Sabi ko nga sa kanya, sana nakakalabas na kami. Sana hinog na ang panahon. Sabi nya isang taon na lang ang hihintayin namin. Sana kami pa pagdating ng panahon na yon. Malaya na kaming makakapamasyal.
Sana mas bumilis pa ang takbo ng panahon. Sana walang magbago masyado sa kanya at sa buhay ko upang umagos lang ang buhay ng kasama ko sya, tulad nung mga nakaraang araw.
Balikan natin ang tanong - kanino ka? Pili na?
-bhie-