Sunday, August 22, 2010

Sunday 22 Aug 2010 - moving on

Di ko alam kun pano ko sisimulan. Kahit kelan si BLOG talaga lagi kong kasama.

I am in deep pain again. AGAIN. Yes, AGAIN. Lagi na lang bang ganito? Ang saya ng simula. Tragic ang ending. Di ko na alam kun sisisihin ko ba ang sarili ko sa nangyari, sa paglayo nya or gumagawa lang sya ng problema lalo given na ganito ang sitwasyon naming. Hindi lang ba nya tlaga alam na ang gagawin nya? Pero tama si Nica. Walang reassurance, walang effort sa part nya. Ang taong tunay na in lovekahit anong gender or age ay gagawa ng paraan para mag meet kayo halfway. Tama din yata ulet si Nica, na naisip ko na rin although hindi tugma sa mga moments na kinakausap nya ako pag nagkikita kami, that he is ambivalent, passive-aggressive. Di sila makipag break ng derechuhan o harapan. Instead, they will neglect and ignore and take you for granted until mapuno ka at ikaw ang makipag break. Walang consistency. Minsan anjan sya. Minsan wala.

Nakaka bwisit nga balikan yung huling text nya sakin na na-save ko. “Di kita matiis mahal talaga kita bhie. Solid na to.” Ano to??? Ibinalik ko nga sa kanya ang text nay an! Solid na panloloko yata ibig sabihin nyan. Grabe. Sobrang ang sakit balikan yung mga text nun OK pa kami. Kahit nun hindi na. Nakakapagtaka na kaya nyang gawin sakin to. Di ko lubos maisip na how come yung isang tao sobrang mahal ka tapos sa isang iglap mawawala bigla at kaya nyang masaktan ka. San na napunta yung mga sinasabi nya dati? Yung mga pangako nya? Shet sya! Ayoko na balikan pa.

Ano nga ba ang nangyari at nagkakaganito ako ngayon?

Sa previous blogs mababasa mo na akala ko eh magiging okay na kami. Di ko rin naman sya kinulit sa text kase exams week nya. So pagdating ng Friday di ko matiis sinimulan ko na syang i-contact ulet kasi di naman sya nagkukusa eh. Samantalang kinakausap na naman nya ako. Binabati na nya ako. Lumalapit na sya. Nakikipagbiruan. So ayun, lumipas ang buong Friday night naka 3 very long text messages siguro ako nun pero hindi sya nag reply. Hapon pa lang nun alam ko nang wala na syang klase I was trying to catch his attention already. Pa ring (missed call). Send ako ng text na empty lang. Deadma pa rin.

Umuwi ako ng maaga ng Sat from work. Battle mode na ako. I flooded him with text. Sinasabi ko talaga sa kanya lahat. Gusto ko kasi makapag usap na kami ng maayos, ng personal para once and for all maintindihan ko na sya at alam ko naman ang mga balak nya, nagiging reaction nya, lahat. Sabi nya din naman kasi gusto nya maging masaya kami ulet eh. Ako rin. Gusto ko na okay kami. Masaya kami. Pero ano? Wala. Hindi pa rin sya nag re-reply at sagot sa call ko. This time tinatawagan ko na talaga sya. Matyaga ako eh. Wala pa akong tulog nun kasi kakauwi ko lang from work. Nahihilo na ako. Ang sama ng loob ko sa nangyayari. Lahat na siguro sinabi ko pero wala. Ang sabi nya last week gagawa sya ng paraan para makalabas naman kami at baka kahapon nga yun. Di ko naman inaasahan masyado pero I was trying to persuade him na may paraan. Kaya naman talaga eh kun may will.

Walang humpay ang text ko. Walang sagot. Gusto ko ng magpahinga. Lumipas ang mga 2 oras siguro niloadan ko pa kase baka wala lang load. Walang pag asa. Nag off pa ng cellphone nya.

Nakita ko syang umuwi. Kanina pa pala nasa labas. Galing daw sa bilyaran. Nagmamadaling umuwi para sumabay sa lakad ng pamilya. Umalis. Wala na. Patay na.

Wala na akong nagawa pa.

May galit na sa puso ko.

Bumili ng beer. Walang humpay na yosi.

Sa wakas nag reply na rin si Nica. Tinawagan ko sya. Dun bumuhos ang luha ko. Sobrang iyak. Naalala ko yung huling iyak ko na ganito that was when we were breaking up on a Saturday evening. I was with Dan. I called him kasi na move talaga ako sa sinasabi nya nuon. I was skeptic. I was cynic. Pero ang sabi nya kasi hindi sya magpa-pramis na pagdating ng panahon magiging kami ulet. Gagawin nya raw talaga. Hintayin na lang muna naming yung “right time.”

Thank you din kay Rose (Scout) kasi nagkausap din kami after ng call ko with Nica. May pinagdadaana din sya. Pero yung kanya mas malupet. Four years. After 4 years! OMG! Hindi ko kaya yata yan! Pero yun naman kase may 3rd party. May problema. May dahil kumbaga para magalit. Etong sa amin, WALA.

On a brighter side OKAY na rin naman to. Magaral na lang muna sya. Wala naman siguro syang dahilan para hindi ako mahalin. Minahal naman nya siguro ako. Andyan lang naman sya. Pag natatanong naman sya sagot nya mahal nya ako. Wala nga lang kasiguruhan. Napaka uncertain ng future. Pangit din naman umasa kase baka umasa ka sa wala.  Pero maganda din naman umasa, malay natin gawin nya nga talaga diba? The thing is sa kanya nakasalalay yung future ng relationship. Sabagay may part din naman ako ditto kun makakapghintay din ako. Kaso wala naman kaming commitment na “Oh sige mag hintayan tayo.”

Gusto kong maging very positive about this. Kasi wala naman talaga kaming problema sa isa’t isa maliban sa dinalang pagsubok nitong fuckin’ driver nila na tsismoso kase! May araw ka rin! Mamamatay ka rin! Gago ka!

Sana bumalik sya. Sana maulit muli. Sana bumilis pa ang pag daan ng panahon. Sana pwede na. Sana maging kami ulet.Puro sana. Taena. Tinotopak na naman ako. Puro kase SANA. Sana kinausap mo na lang ako. Sana naging matured ka ulet magisip. Sana pinanindigan mo naman ang pinasok mong relasyon.

Parang ayoko na tigilan to. Umaapaw ang thoughts ko. Hindi kakayanin ni BLOG!

0 comments: