Sunday, August 22, 2010

Sunday 22 Aug 2010 - moving on

Di ko alam kun pano ko sisimulan. Kahit kelan si BLOG talaga lagi kong kasama.

I am in deep pain again. AGAIN. Yes, AGAIN. Lagi na lang bang ganito? Ang saya ng simula. Tragic ang ending. Di ko na alam kun sisisihin ko ba ang sarili ko sa nangyari, sa paglayo nya or gumagawa lang sya ng problema lalo given na ganito ang sitwasyon naming. Hindi lang ba nya tlaga alam na ang gagawin nya? Pero tama si Nica. Walang reassurance, walang effort sa part nya. Ang taong tunay na in lovekahit anong gender or age ay gagawa ng paraan para mag meet kayo halfway. Tama din yata ulet si Nica, na naisip ko na rin although hindi tugma sa mga moments na kinakausap nya ako pag nagkikita kami, that he is ambivalent, passive-aggressive. Di sila makipag break ng derechuhan o harapan. Instead, they will neglect and ignore and take you for granted until mapuno ka at ikaw ang makipag break. Walang consistency. Minsan anjan sya. Minsan wala.

Nakaka bwisit nga balikan yung huling text nya sakin na na-save ko. “Di kita matiis mahal talaga kita bhie. Solid na to.” Ano to??? Ibinalik ko nga sa kanya ang text nay an! Solid na panloloko yata ibig sabihin nyan. Grabe. Sobrang ang sakit balikan yung mga text nun OK pa kami. Kahit nun hindi na. Nakakapagtaka na kaya nyang gawin sakin to. Di ko lubos maisip na how come yung isang tao sobrang mahal ka tapos sa isang iglap mawawala bigla at kaya nyang masaktan ka. San na napunta yung mga sinasabi nya dati? Yung mga pangako nya? Shet sya! Ayoko na balikan pa.

Ano nga ba ang nangyari at nagkakaganito ako ngayon?

Sa previous blogs mababasa mo na akala ko eh magiging okay na kami. Di ko rin naman sya kinulit sa text kase exams week nya. So pagdating ng Friday di ko matiis sinimulan ko na syang i-contact ulet kasi di naman sya nagkukusa eh. Samantalang kinakausap na naman nya ako. Binabati na nya ako. Lumalapit na sya. Nakikipagbiruan. So ayun, lumipas ang buong Friday night naka 3 very long text messages siguro ako nun pero hindi sya nag reply. Hapon pa lang nun alam ko nang wala na syang klase I was trying to catch his attention already. Pa ring (missed call). Send ako ng text na empty lang. Deadma pa rin.

Umuwi ako ng maaga ng Sat from work. Battle mode na ako. I flooded him with text. Sinasabi ko talaga sa kanya lahat. Gusto ko kasi makapag usap na kami ng maayos, ng personal para once and for all maintindihan ko na sya at alam ko naman ang mga balak nya, nagiging reaction nya, lahat. Sabi nya din naman kasi gusto nya maging masaya kami ulet eh. Ako rin. Gusto ko na okay kami. Masaya kami. Pero ano? Wala. Hindi pa rin sya nag re-reply at sagot sa call ko. This time tinatawagan ko na talaga sya. Matyaga ako eh. Wala pa akong tulog nun kasi kakauwi ko lang from work. Nahihilo na ako. Ang sama ng loob ko sa nangyayari. Lahat na siguro sinabi ko pero wala. Ang sabi nya last week gagawa sya ng paraan para makalabas naman kami at baka kahapon nga yun. Di ko naman inaasahan masyado pero I was trying to persuade him na may paraan. Kaya naman talaga eh kun may will.

Walang humpay ang text ko. Walang sagot. Gusto ko ng magpahinga. Lumipas ang mga 2 oras siguro niloadan ko pa kase baka wala lang load. Walang pag asa. Nag off pa ng cellphone nya.

Nakita ko syang umuwi. Kanina pa pala nasa labas. Galing daw sa bilyaran. Nagmamadaling umuwi para sumabay sa lakad ng pamilya. Umalis. Wala na. Patay na.

Wala na akong nagawa pa.

May galit na sa puso ko.

Bumili ng beer. Walang humpay na yosi.

Sa wakas nag reply na rin si Nica. Tinawagan ko sya. Dun bumuhos ang luha ko. Sobrang iyak. Naalala ko yung huling iyak ko na ganito that was when we were breaking up on a Saturday evening. I was with Dan. I called him kasi na move talaga ako sa sinasabi nya nuon. I was skeptic. I was cynic. Pero ang sabi nya kasi hindi sya magpa-pramis na pagdating ng panahon magiging kami ulet. Gagawin nya raw talaga. Hintayin na lang muna naming yung “right time.”

Thank you din kay Rose (Scout) kasi nagkausap din kami after ng call ko with Nica. May pinagdadaana din sya. Pero yung kanya mas malupet. Four years. After 4 years! OMG! Hindi ko kaya yata yan! Pero yun naman kase may 3rd party. May problema. May dahil kumbaga para magalit. Etong sa amin, WALA.

On a brighter side OKAY na rin naman to. Magaral na lang muna sya. Wala naman siguro syang dahilan para hindi ako mahalin. Minahal naman nya siguro ako. Andyan lang naman sya. Pag natatanong naman sya sagot nya mahal nya ako. Wala nga lang kasiguruhan. Napaka uncertain ng future. Pangit din naman umasa kase baka umasa ka sa wala.  Pero maganda din naman umasa, malay natin gawin nya nga talaga diba? The thing is sa kanya nakasalalay yung future ng relationship. Sabagay may part din naman ako ditto kun makakapghintay din ako. Kaso wala naman kaming commitment na “Oh sige mag hintayan tayo.”

Gusto kong maging very positive about this. Kasi wala naman talaga kaming problema sa isa’t isa maliban sa dinalang pagsubok nitong fuckin’ driver nila na tsismoso kase! May araw ka rin! Mamamatay ka rin! Gago ka!

Sana bumalik sya. Sana maulit muli. Sana bumilis pa ang pag daan ng panahon. Sana pwede na. Sana maging kami ulet.Puro sana. Taena. Tinotopak na naman ako. Puro kase SANA. Sana kinausap mo na lang ako. Sana naging matured ka ulet magisip. Sana pinanindigan mo naman ang pinasok mong relasyon.

Parang ayoko na tigilan to. Umaapaw ang thoughts ko. Hindi kakayanin ni BLOG!

Friday, August 20, 2010

Friday 20 Aug 2010

Last night sinadya kong sumunod sa "secret shop" at magpa kyut. Pero syempre dedma kunyari. Pagdating ko tinawag nya akong "aport" (tropa). Nagtanong ng oras sa tropa nya. Dinedma ko lang yung pagtatanong kasi ang dami namang pwede sumagot eh. Narinig ko syang tinawag akong "bhie" ulet. Pampakilig siguro. Pero kunyari wala akong narinig, hahaha. Pero sinagot ko pa rin yung oras. 7:47. Pa-yosi daw sya. Inabot ko ang kaha ng yosi ko. Sabay talikod sa kanya. Inabot nya sa balikat ko ang yosi. Ipinatong nya sa balikat ko. Habang humihithit ng usok nagtitinginan lang kami. Di ko alam kun nangungusap ang aming mga mata. Wala akong maramdaman. Hanggang nagpaalam na sya sa tropa nya. Di ko sya tinitingnan ng deretso. Pero kita ko sa peripheral vision ko na mga 3 times syang tumingin sakin na para bang gusto nyang magpaalam din sakin at tawagin ako kase di ako tumitingin sa kanya...

Hay, hirap... Ngayon na-tetense ako kasi di ko alam kun pano yung approach para magkasama kami this weekend. I am hopeful. I am positive. I can wait pa naman eh. Sa lagay ngayon mukhang umo-okay na kami. Sana patuloy na to. Sana ibalik na namin ang pagtetext. Hinihintay ko lang na sya mauna. 5 days of not texting. This is a sacrifice for me.

Thursday, August 19, 2010

Thursday 19 Aug 2010

heto lang eh kun maaalala ko pa sharply.. here it goes.

Tuesday - I pulled her sister for a short talk kasi nakakainis na, nakakagalit, may exam sya kinabukasan pero maghapon syang naka tambay. Nakaka bwisit kase ganun lang ang makikita ko kapalit ng winasak naming relasyon at ng lahat ng pighati na pinagdadaanan ko. Taena di ba! Gago. Lumapit sya samin ng Ate nya at nagtanong kung bakit. Ang sabi ko lang "sana mag aral ka ng mabuti di ba..." Later on napatambay ako at andun sya. Pumasok sa bahay. Kinuha ang gitara. Nagsimulang tumugtog. As usual, peyborit nyang gitarahin ang kantang may lyrics na "minamahal kita, ba't di ka maniwala..." Di ko lang alam kung tama ako sa lyrics na yan. Lumipas pa ang ilang saglit ay It Might Be You naman ang ginigitara. Ay ang sarap. Para akong hinaharana kasi paminsan minsan ay tumitingin naman sya sakin. Nakakakilig di ba? Ito ang nag udyok sakin na ibigay na sa kanya yung book na nabili ko nun magkita kami ni Nica over the weekend. Inabot ko ito sa kanya. Sabi ko para sa best friend ko. Dinedma nya. Wala kahit na Thank You. Pero after some time tiningnan naman nya yung cover ng book. Dito nagtatapos ang yugtong ito.

Wednesday - inusisa ko sa Ate nya kun ano ang ginawa sa book. Itinago lang daw sa kabinet nya kasi di naman ito mahilig magbasa. Okay. So at least itinago di ba. Masaya na rin ako. Yung move nya lang kahapon is a big change na. Habang naglalaro sya ng basketball hinuhuli ko ang atensyon nya. Sabi ko isnabero ang Bes ko. Inulit ko. Sabi nya naglalaro daw kasi sya. Sabi ko "Ay galit ang Bes ko..." Mataray eh... ilang saglit pa sa kalagitnaan ng game tumingin sya sakin sabay ngiti at kibit ng kilay. Okay na rin. Sabi ko nga sa sarili ko, kun sino yung taong nanakit sayo, sya rin ang papawi nito (may assumption na mahal mo yung tao kase kun kaaway mo talaga ito i think this won't apply, hahaha). Pagkatapos ng laro niyaya nya ang tropa nya sa "secret shop." Nagsabi ako na gusto kong sumama. Nun una di nya ako pinapansin pa. Hanggang sabi nya "sige tara sama ka." Dun kami ulet nagusap. Nakikipagbiruan pa sya. Ngakukwento na. It seems okay na. Nagsisimula ng bumalik sa dati.

Di na ako sumunod pa sa kanila nun lumipat sila ng pwesto. Napapaisip na ako. Ayoko ng tumambay pa kasama ng tropa nya. Ayoko ng sumama kase may tropa sya. Tumuloy ako sa playground ng magisa at dun nag muni muni. Napapaisip ako. Di nga kami bagay. Ewan ko sa kanya kun ano pa ang merong nalalabi para sa akin sa puso nya. Wala akong alam. Kami pa pero wala na akong alam sa nararamdaman nya.

Para akong nakalutang na hindi ko maintidihan. Di ko rin naman na sya maintindihan sa mga moves nya kase nag stop na rin sya mag communicate kun bakit ganun ang behavior nya or treatment nya sakin. Am lost. Di ko na nga alam kun magtitiwala pa rin ba ako kun wala naman na akong pinanghahawakan pa. Mahirap.

Sana maging maayos na ang lahat. Sana lumipas na ang mga isyu. Sana maibalik ng muli yung nakaraan kase ang sarap mag mahal. Ang saya. Sana. Puro sana.

Mahal na mahal pa rin kita.

Sunday, August 15, 2010

Sunday 15 August 2010

via SMS - i'm back.. I love you

via SMS - Di kita matiis mahal talaga kita. Solid na to.

At Bonifacio High Street with Nica in the afternoon. She gave me a gift (book) with the hopes of putting my life and relationship in "perspective."

Thanks a lot sis. I appreciate all the love.

Friday, August 13, 2010

All That I Need To Survive




you are all that I need to survive

Tuesday, August 10, 2010

Tuesday 10 Aug 2010

masaya ang gabing ito. di man kami nagkausap sa text buong araw pero nagkita naman kami nun tumambay ako sa labas kasama ang ate nya habang sya ay nag gigitara. wari ko ba'y ako'y hinaharana nya sapagkat sya'y nagpaparinig ng mga tugtugin na may kabuluhan para sa amin sabay titig pa..

nagkakwentuhan din kami ng ate nya dapit hapon at nakwento nito na nangungulila rin sa akin ang aking minamahal. si pag-ibig daw ay nagsabi na ako'y kanyang pinagmamasdan kagabi at nais sanang samahan sa aking pagiisa. di raw sya sanay na nakikitang ako'y magisa dahil lagi kaming magkasama sa tuwing ako'y nasa labas at naglalakad.

bhie, ako'y lubos na nangungulila din sa'yo. mahal na mahal kita.

Friday, August 6, 2010

Friday 06 August 2010

Today (this afternoon) is but another lowlight in my life (lovelife). I/We am/are going thru another challenge. You all have been witnesses of how happy I am to be inlove and be loved by someone. Yet recently we are being torn apart. Being separated from each other. How will this love survive? How will this love last? How much should it take for me to be happy? I am full of questions right now. I can't seem to understand why this world has to be so cruel to someone like me when I have been trying my best to be the most loving person this world could ever be proud of. How do I last this day without your love?

Wednesday, August 4, 2010

Wednesday 04 August 2010

bhie

thanks for the time

I won't last a day without your love.

Monday, August 2, 2010

Monday, 02 August 2010

finally, the day has come... done with the monthsary on the day itself... but will be celebrating for real this weekend... Love you bhie... Looking forward to more months of the years that is about to come.

Sunday, August 1, 2010

Sunday, 01 August 2010

From The Fort. Met with Sis Nica. Pagod all day. Relieving naman pagdating sa bahay kase magkasama kami ni bhie. Masaya. Monthsary bukas.