Friday, October 29, 2010

God's *perfect* birthday present

Dear God,

Thank you for your *belated* birthday gift that I received last Oct 25. Thank you for blessing me. I always feel that *he* is your blessing to me and am glad that your gift was to make us okay now. I offer this blessing back to you. You make me fabulous! I am GLAD!

Again Lord, thank you. I hope this time, we can make things right and a lot better for the two of us with your guidance.

Love,

Rachel

Monday, October 4, 2010

Monday 04.Oct.2010

HELLO Blog!

It's wonderful to be back!

Na miss kita Blog ko.

Short na hair ko Blog... Alam mo Blog kahit na patuloy ko pa rin nilalabanan ang battle ko may masasaya din namang moments..

Basta Blog dyan ka lang ha..

Di mo ako iiwan di ba?

Yehey!

Tuesday, September 28, 2010

QA GA 2010




The Grove by Rockwell

Monday, September 20, 2010

Bonding with Nica 2010




bhie Renz




July 2 - Aug 6, 2010

*i love you bhie*
*i miss you*
*you have been the best*
*thank you*

Sunday, August 22, 2010

Sunday 22 Aug 2010 - moving on

Di ko alam kun pano ko sisimulan. Kahit kelan si BLOG talaga lagi kong kasama.

I am in deep pain again. AGAIN. Yes, AGAIN. Lagi na lang bang ganito? Ang saya ng simula. Tragic ang ending. Di ko na alam kun sisisihin ko ba ang sarili ko sa nangyari, sa paglayo nya or gumagawa lang sya ng problema lalo given na ganito ang sitwasyon naming. Hindi lang ba nya tlaga alam na ang gagawin nya? Pero tama si Nica. Walang reassurance, walang effort sa part nya. Ang taong tunay na in lovekahit anong gender or age ay gagawa ng paraan para mag meet kayo halfway. Tama din yata ulet si Nica, na naisip ko na rin although hindi tugma sa mga moments na kinakausap nya ako pag nagkikita kami, that he is ambivalent, passive-aggressive. Di sila makipag break ng derechuhan o harapan. Instead, they will neglect and ignore and take you for granted until mapuno ka at ikaw ang makipag break. Walang consistency. Minsan anjan sya. Minsan wala.

Nakaka bwisit nga balikan yung huling text nya sakin na na-save ko. “Di kita matiis mahal talaga kita bhie. Solid na to.” Ano to??? Ibinalik ko nga sa kanya ang text nay an! Solid na panloloko yata ibig sabihin nyan. Grabe. Sobrang ang sakit balikan yung mga text nun OK pa kami. Kahit nun hindi na. Nakakapagtaka na kaya nyang gawin sakin to. Di ko lubos maisip na how come yung isang tao sobrang mahal ka tapos sa isang iglap mawawala bigla at kaya nyang masaktan ka. San na napunta yung mga sinasabi nya dati? Yung mga pangako nya? Shet sya! Ayoko na balikan pa.

Ano nga ba ang nangyari at nagkakaganito ako ngayon?

Sa previous blogs mababasa mo na akala ko eh magiging okay na kami. Di ko rin naman sya kinulit sa text kase exams week nya. So pagdating ng Friday di ko matiis sinimulan ko na syang i-contact ulet kasi di naman sya nagkukusa eh. Samantalang kinakausap na naman nya ako. Binabati na nya ako. Lumalapit na sya. Nakikipagbiruan. So ayun, lumipas ang buong Friday night naka 3 very long text messages siguro ako nun pero hindi sya nag reply. Hapon pa lang nun alam ko nang wala na syang klase I was trying to catch his attention already. Pa ring (missed call). Send ako ng text na empty lang. Deadma pa rin.

Umuwi ako ng maaga ng Sat from work. Battle mode na ako. I flooded him with text. Sinasabi ko talaga sa kanya lahat. Gusto ko kasi makapag usap na kami ng maayos, ng personal para once and for all maintindihan ko na sya at alam ko naman ang mga balak nya, nagiging reaction nya, lahat. Sabi nya din naman kasi gusto nya maging masaya kami ulet eh. Ako rin. Gusto ko na okay kami. Masaya kami. Pero ano? Wala. Hindi pa rin sya nag re-reply at sagot sa call ko. This time tinatawagan ko na talaga sya. Matyaga ako eh. Wala pa akong tulog nun kasi kakauwi ko lang from work. Nahihilo na ako. Ang sama ng loob ko sa nangyayari. Lahat na siguro sinabi ko pero wala. Ang sabi nya last week gagawa sya ng paraan para makalabas naman kami at baka kahapon nga yun. Di ko naman inaasahan masyado pero I was trying to persuade him na may paraan. Kaya naman talaga eh kun may will.

Walang humpay ang text ko. Walang sagot. Gusto ko ng magpahinga. Lumipas ang mga 2 oras siguro niloadan ko pa kase baka wala lang load. Walang pag asa. Nag off pa ng cellphone nya.

Nakita ko syang umuwi. Kanina pa pala nasa labas. Galing daw sa bilyaran. Nagmamadaling umuwi para sumabay sa lakad ng pamilya. Umalis. Wala na. Patay na.

Wala na akong nagawa pa.

May galit na sa puso ko.

Bumili ng beer. Walang humpay na yosi.

Sa wakas nag reply na rin si Nica. Tinawagan ko sya. Dun bumuhos ang luha ko. Sobrang iyak. Naalala ko yung huling iyak ko na ganito that was when we were breaking up on a Saturday evening. I was with Dan. I called him kasi na move talaga ako sa sinasabi nya nuon. I was skeptic. I was cynic. Pero ang sabi nya kasi hindi sya magpa-pramis na pagdating ng panahon magiging kami ulet. Gagawin nya raw talaga. Hintayin na lang muna naming yung “right time.”

Thank you din kay Rose (Scout) kasi nagkausap din kami after ng call ko with Nica. May pinagdadaana din sya. Pero yung kanya mas malupet. Four years. After 4 years! OMG! Hindi ko kaya yata yan! Pero yun naman kase may 3rd party. May problema. May dahil kumbaga para magalit. Etong sa amin, WALA.

On a brighter side OKAY na rin naman to. Magaral na lang muna sya. Wala naman siguro syang dahilan para hindi ako mahalin. Minahal naman nya siguro ako. Andyan lang naman sya. Pag natatanong naman sya sagot nya mahal nya ako. Wala nga lang kasiguruhan. Napaka uncertain ng future. Pangit din naman umasa kase baka umasa ka sa wala.  Pero maganda din naman umasa, malay natin gawin nya nga talaga diba? The thing is sa kanya nakasalalay yung future ng relationship. Sabagay may part din naman ako ditto kun makakapghintay din ako. Kaso wala naman kaming commitment na “Oh sige mag hintayan tayo.”

Gusto kong maging very positive about this. Kasi wala naman talaga kaming problema sa isa’t isa maliban sa dinalang pagsubok nitong fuckin’ driver nila na tsismoso kase! May araw ka rin! Mamamatay ka rin! Gago ka!

Sana bumalik sya. Sana maulit muli. Sana bumilis pa ang pag daan ng panahon. Sana pwede na. Sana maging kami ulet.Puro sana. Taena. Tinotopak na naman ako. Puro kase SANA. Sana kinausap mo na lang ako. Sana naging matured ka ulet magisip. Sana pinanindigan mo naman ang pinasok mong relasyon.

Parang ayoko na tigilan to. Umaapaw ang thoughts ko. Hindi kakayanin ni BLOG!

Friday, August 20, 2010

Friday 20 Aug 2010

Last night sinadya kong sumunod sa "secret shop" at magpa kyut. Pero syempre dedma kunyari. Pagdating ko tinawag nya akong "aport" (tropa). Nagtanong ng oras sa tropa nya. Dinedma ko lang yung pagtatanong kasi ang dami namang pwede sumagot eh. Narinig ko syang tinawag akong "bhie" ulet. Pampakilig siguro. Pero kunyari wala akong narinig, hahaha. Pero sinagot ko pa rin yung oras. 7:47. Pa-yosi daw sya. Inabot ko ang kaha ng yosi ko. Sabay talikod sa kanya. Inabot nya sa balikat ko ang yosi. Ipinatong nya sa balikat ko. Habang humihithit ng usok nagtitinginan lang kami. Di ko alam kun nangungusap ang aming mga mata. Wala akong maramdaman. Hanggang nagpaalam na sya sa tropa nya. Di ko sya tinitingnan ng deretso. Pero kita ko sa peripheral vision ko na mga 3 times syang tumingin sakin na para bang gusto nyang magpaalam din sakin at tawagin ako kase di ako tumitingin sa kanya...

Hay, hirap... Ngayon na-tetense ako kasi di ko alam kun pano yung approach para magkasama kami this weekend. I am hopeful. I am positive. I can wait pa naman eh. Sa lagay ngayon mukhang umo-okay na kami. Sana patuloy na to. Sana ibalik na namin ang pagtetext. Hinihintay ko lang na sya mauna. 5 days of not texting. This is a sacrifice for me.

Thursday, August 19, 2010

Thursday 19 Aug 2010

heto lang eh kun maaalala ko pa sharply.. here it goes.

Tuesday - I pulled her sister for a short talk kasi nakakainis na, nakakagalit, may exam sya kinabukasan pero maghapon syang naka tambay. Nakaka bwisit kase ganun lang ang makikita ko kapalit ng winasak naming relasyon at ng lahat ng pighati na pinagdadaanan ko. Taena di ba! Gago. Lumapit sya samin ng Ate nya at nagtanong kung bakit. Ang sabi ko lang "sana mag aral ka ng mabuti di ba..." Later on napatambay ako at andun sya. Pumasok sa bahay. Kinuha ang gitara. Nagsimulang tumugtog. As usual, peyborit nyang gitarahin ang kantang may lyrics na "minamahal kita, ba't di ka maniwala..." Di ko lang alam kung tama ako sa lyrics na yan. Lumipas pa ang ilang saglit ay It Might Be You naman ang ginigitara. Ay ang sarap. Para akong hinaharana kasi paminsan minsan ay tumitingin naman sya sakin. Nakakakilig di ba? Ito ang nag udyok sakin na ibigay na sa kanya yung book na nabili ko nun magkita kami ni Nica over the weekend. Inabot ko ito sa kanya. Sabi ko para sa best friend ko. Dinedma nya. Wala kahit na Thank You. Pero after some time tiningnan naman nya yung cover ng book. Dito nagtatapos ang yugtong ito.

Wednesday - inusisa ko sa Ate nya kun ano ang ginawa sa book. Itinago lang daw sa kabinet nya kasi di naman ito mahilig magbasa. Okay. So at least itinago di ba. Masaya na rin ako. Yung move nya lang kahapon is a big change na. Habang naglalaro sya ng basketball hinuhuli ko ang atensyon nya. Sabi ko isnabero ang Bes ko. Inulit ko. Sabi nya naglalaro daw kasi sya. Sabi ko "Ay galit ang Bes ko..." Mataray eh... ilang saglit pa sa kalagitnaan ng game tumingin sya sakin sabay ngiti at kibit ng kilay. Okay na rin. Sabi ko nga sa sarili ko, kun sino yung taong nanakit sayo, sya rin ang papawi nito (may assumption na mahal mo yung tao kase kun kaaway mo talaga ito i think this won't apply, hahaha). Pagkatapos ng laro niyaya nya ang tropa nya sa "secret shop." Nagsabi ako na gusto kong sumama. Nun una di nya ako pinapansin pa. Hanggang sabi nya "sige tara sama ka." Dun kami ulet nagusap. Nakikipagbiruan pa sya. Ngakukwento na. It seems okay na. Nagsisimula ng bumalik sa dati.

Di na ako sumunod pa sa kanila nun lumipat sila ng pwesto. Napapaisip na ako. Ayoko ng tumambay pa kasama ng tropa nya. Ayoko ng sumama kase may tropa sya. Tumuloy ako sa playground ng magisa at dun nag muni muni. Napapaisip ako. Di nga kami bagay. Ewan ko sa kanya kun ano pa ang merong nalalabi para sa akin sa puso nya. Wala akong alam. Kami pa pero wala na akong alam sa nararamdaman nya.

Para akong nakalutang na hindi ko maintidihan. Di ko rin naman na sya maintindihan sa mga moves nya kase nag stop na rin sya mag communicate kun bakit ganun ang behavior nya or treatment nya sakin. Am lost. Di ko na nga alam kun magtitiwala pa rin ba ako kun wala naman na akong pinanghahawakan pa. Mahirap.

Sana maging maayos na ang lahat. Sana lumipas na ang mga isyu. Sana maibalik ng muli yung nakaraan kase ang sarap mag mahal. Ang saya. Sana. Puro sana.

Mahal na mahal pa rin kita.

Sunday, August 15, 2010

Sunday 15 August 2010

via SMS - i'm back.. I love you

via SMS - Di kita matiis mahal talaga kita. Solid na to.

At Bonifacio High Street with Nica in the afternoon. She gave me a gift (book) with the hopes of putting my life and relationship in "perspective."

Thanks a lot sis. I appreciate all the love.

Friday, August 13, 2010

All That I Need To Survive




you are all that I need to survive

Tuesday, August 10, 2010

Tuesday 10 Aug 2010

masaya ang gabing ito. di man kami nagkausap sa text buong araw pero nagkita naman kami nun tumambay ako sa labas kasama ang ate nya habang sya ay nag gigitara. wari ko ba'y ako'y hinaharana nya sapagkat sya'y nagpaparinig ng mga tugtugin na may kabuluhan para sa amin sabay titig pa..

nagkakwentuhan din kami ng ate nya dapit hapon at nakwento nito na nangungulila rin sa akin ang aking minamahal. si pag-ibig daw ay nagsabi na ako'y kanyang pinagmamasdan kagabi at nais sanang samahan sa aking pagiisa. di raw sya sanay na nakikitang ako'y magisa dahil lagi kaming magkasama sa tuwing ako'y nasa labas at naglalakad.

bhie, ako'y lubos na nangungulila din sa'yo. mahal na mahal kita.

Friday, August 6, 2010

Friday 06 August 2010

Today (this afternoon) is but another lowlight in my life (lovelife). I/We am/are going thru another challenge. You all have been witnesses of how happy I am to be inlove and be loved by someone. Yet recently we are being torn apart. Being separated from each other. How will this love survive? How will this love last? How much should it take for me to be happy? I am full of questions right now. I can't seem to understand why this world has to be so cruel to someone like me when I have been trying my best to be the most loving person this world could ever be proud of. How do I last this day without your love?

Wednesday, August 4, 2010

Wednesday 04 August 2010

bhie

thanks for the time

I won't last a day without your love.

Monday, August 2, 2010

Monday, 02 August 2010

finally, the day has come... done with the monthsary on the day itself... but will be celebrating for real this weekend... Love you bhie... Looking forward to more months of the years that is about to come.

Sunday, August 1, 2010

Sunday, 01 August 2010

From The Fort. Met with Sis Nica. Pagod all day. Relieving naman pagdating sa bahay kase magkasama kami ni bhie. Masaya. Monthsary bukas.

Saturday, July 31, 2010

Saturday, 31 July 2010

Kala ko talaga kanina mag gi-give-up na si bhie. Ninerbyos ako na bibitaw na sya... Kawawa naman sya... Nahihirapan... Ramdam ko sa pananahimik nya... Nakikita ko sa mga mata nya...

Ang dami kasing asungot sa paligid! mga inggitero/a, tsismoso/a, pakialamero/a. mamatay na kayong lahat...

pwede patahimikin nyo na kami kasi masaya naman kami eh... pwede maging masaya na rin lang kayo sa mga buhay nyo? pwede? lubayan nyo na kami... pwede? manahimik na lang, pwede? pwede bang "no comment" na lang?

Lagi na lang ba ganito???

Pwede, ako naman?

Wednesday, July 28, 2010

Wednesday, 28 July 2010

Bhie was here as soon as he arrived home. We spent time having a snack on our rooftop. Then he left to accompany his sister... Gusto nya gumala muna...

Antok na ulet... Waiting for bhie to go home... I created an FB account because of bhie... We are now connected- discreetly.

Going back to rest coz he will be back home soon...

Saturday, July 17, 2010

Saturday 17 July 2010

Picked-up bhie after work and went to Ever Gotesco Commonwealth to watch his sister's Center for Pop Mall Tour. Tired. But what's "tired" when you are with the one you love right? Was with his family during the affair. Had dinner together before going home. Happy. We spent time together still after arriving.

Some missives; take-aways...

On the way home I was complaining that he was dull and he wasn't the usual him when we are together. I got really worried and scared. Upon reaching home he texted me right away saying sorry coz he was just tired and that it wasn't the usual him. "mahal na mahal kita I love you very much. Sana maintindihan mo. Wag ka magtampo. Ayoko magalit ka sakin." How relieving and heart warming... Natakot din daw sya kaya nag text agad at lumabas...

"gusto ko talaga kasama kita kung pwede lang ako matulog dyan, dyan talaga ako matutulog..."

"basta bhie wag kang magalala mahal na mahal din kita; hinding hindi kita lolokohin"

"geh na bhie slip na ko i love u vry much muahh :-* ;-)"

Friday, July 16, 2010

Friday 16 July 2010

Life is beautiful.

To be betrayed by a very close friend is a different story.

Today, let me share with you how beautiful life is and how serene it is to be with someone who loves you more than you could ever have imagined in your life. Today marks but one of those many days to come where love is overwhelming. Today we celebrate life again, one of the many to come.

How do I reckon this unfathomable love?

Looking at the past it is with great joy that I share this life with you. One that has come as a blessing. The surreal complexities of love.

I have always believed that there is hope. Now I become a living testament that waiting does bear fruit and that love comes at the most unexpected time, at the most unexpected moment, with the most unexpected person. I found mine. Or should I say we found ours? Never did it cross my mind that he was just there all this time. And I can't stand a day out of his range's love... I am well taken care of...

Today as well bears relief that he is doing his best for me and for us...

What more could I have asked for?

Friday, July 9, 2010

Friday, 09 July 2010 - Pumili ka

Papipiliin kita.

Kun ikaw ay ako sino ang mas gugustuhin mo? Yung bata o yung nakatatanda (sa bata)?

Hindi naman siguro masamang magmahal ng mas bata kesa sayo (sabihin na nating - bata). Bakit ko nga naman hindi pipiliing magmahal ng mas bata kesa sakin kung mas nararamdaman ko naman ngayon na may nagpapahalaga sa akin, may nakakaalala, hindi sumasakit ang ulo ko, wala akong pinagdadaanang mga problema, sakit sa ulo at ang walang pakundangang paghingi ng kun anu-ano?

Bakit nga ba ako mangangamba kun dama ko naman sa bawat yakap at halik nya ang inaalay nyang pagmamahal? Bakit nga ba ako magdadalawang isip pa kun sabi nga naman nya ay mahal na mahal din nya ako? Kun sa bawat sandali na magkasama kami ay masaya kami bakit hindi nga, di ba? At sa tuwina ay mami-miss namin ang isa't-isa, why not di ba?

Kun titingnan natin ang nakaraan lagi kong sinasabi sa sarili ko at sa mga kaibigan ko na bakit ka pa magmamahal ng isang lalake kun sa bawat araw na lang na ginawa ng Dyos ay nagaalala ka, nagiisip ka, masakit ang ulo, hindi ka makatulog, masama ang loob mo, maiiyak ka, and on top of all these hihingian ka pa??? Gaano ba ka fair ang buhay? Nag boyfriend ka pa, di ba, kun gayan din lang naman. Nag boyfriend ka pa kun di mo naman dama na may BF ka pala...

Siguro ngayon OO hindi kagandahang tingnan kasi mas matanda naman ako ng di hamak sa kanya. May edad na ako. Bata sya. Pero darating din naman ang panahon na wala na itong saysay (kun aabot kami sa ganon).

Minsan nga natanong ko sa kanya kun bakit ako pa? Naisip namin kahit paano matured din kasi sya magisip. Siguro mas gusto nya yung mas may edad na sa kanya kasi nga naman mas may halaga sa buhay ang isang matinong relasyon kesa sa puppy love, kesa sa infatuation. Masaya kase magkasundo kami sa isang bagay- ang maniwala na may Karma. Ayaw naming lokohin ang aming mga sarili, ayaw din naman naming lokohin ang isa't-isa. Baka nga naman daw bumalik sa amin ito. At bakit nga naman kami babalik sa nakaraan kun parehas naman kaming nasaktan at naloko ng aming mga minamahal dati?

Masaya... July 2... One week na...

Mamaya pa sya darating. Sigurado ako, pagdating nya ulet pupunta sya kaagad dito sa akin para magkasama kami at makapag kwentuhan. Madalas wala naman kaming magawa kundi ang mahiga na lang at yakapin ang isa't-isa. Madalas ganun lang. Pahinga.... Ang mahalaga- masaya. Masaya yung nadarama mo na mahal ka ng yumayakap sayo at totoo sya. Masaya... Masarap ang magmahal. Mas masarap pa kesa sa banyagang tsokolate.

Kaibigan, hayaan mo, makikilala mo rin sya pagdating ng panahon. Sa ngayon hindi pa siguro. Sabi ko nga sa kanya, sana nakakalabas na kami. Sana hinog na ang panahon. Sabi nya isang taon na lang ang hihintayin namin. Sana kami pa pagdating ng panahon na yon. Malaya na kaming makakapamasyal.

Sana mas bumilis pa ang takbo ng panahon. Sana walang magbago masyado sa kanya at sa buhay ko upang umagos lang ang buhay ng kasama ko sya, tulad nung mga nakaraang araw.

Balikan natin ang tanong - kanino ka? Pili na?

-bhie-

Tuesday, July 6, 2010

Tuesday, 06 July 2010

Today, I found myself immersed with watching You Tube videos by Juana Change. I am sharing this with you.

Mae Paner has been starring in short polotical satires and was last seen during NoyNoy's Inauguration.

Monday, June 14, 2010

Gimik




June 12-13 weekend hangout with Ash and Edgar (JP) in Cainta. Bonding moments. Saturday we had booze, food and watched movies with a few friends from RSG.

Monday, June 7, 2010

IMPOSTOR




...what a pretty face...

Friday, June 4, 2010

Friday, June 04

May 29 Saturday was a rest day. So I had the time to sleep and jam with folks from around the corner. Na meet ko si Joseph, brother ni JP (beki from Cainta). What a small world. Nakakatawa talaga. I also took the chance to catch up with Mark (MJ Pineda) after a long slumber of not really talking and texing. Matagal na sya bumalik dito ulet sa RSG pero di lang kami nagpapansinan. Or to say, hindi nya ako pinapansin. Di lang kami naguusap. Nagkalabuan lang. That Saturday night we were back talking to each other and catching up on what happened and what we might have missed with each other. Unknowingly disperas pala ng birthday ni Mark. Mark has been my long time crush and am really infatuated with him. Albeit, in love. We strolled to Antipolo. Overlooking (daw). We were both amazed with our companionship that night. Amazing. Sa dami daw ng nagyaya sa kanya para sa birthday nyan e kami ang magkasama. Hanggang sa birthday nya mismo kinabukasan, Sunday.  We are still together. We may be going thru rough times at some moments, some days. I may have spilled tears yesterday. All is but part of life. And nothing is resolved with not talking. Communication as I told him is always the key (to success). My only painpoint with Mark is his inconsistency. Pag magkasama kami he is super sweet, caring, showy. The next day he shifts his gear. I really don't know… Am simply looking forward to a better us, together.

 

Sunday - Mark and I visited Egdar in Medical City. Haaayyy, ganon pa rin sya… Ang bunganga… Same old Edgar… Natuwa kakakuha ng pic ni Mark… We had dinner before going home.

 

It's a Friday. Pola's despedida tonight. CJ's birthday. Magkasama na naman kami mamaya ni Mark bhe ko. I will be out of office eh.

Sunday, May 16, 2010

Sunday, May 16

Ang init! Super!

Just got back from EVER Gotesco Ortigas (Pasig actually). Has the desktop tower fixed. Jay paid for it. We went to Ever to grab some food at about 2pm. A bit late in the afternoon already and I was starving. It's a Sunday so we have to leave and get something to eat.

Was reading the newspaper this morning and most of the pages were talking about the recent election that was. On a page it was talking about the midnight appointments of PGMA. It was excruciatingly annoying given that her willful and wishful thinking of holding on to power really irks my nerves. This bitch has been wanting power all the while and even after. I could have never imagined someone so thirsty for power. Damn! The newspaper has it that PGMA has called her party mates to a caucus after the election for her speakership. What more can this troll ask for?!

Should Noynoy thru an Executive Order revoke appointments such as of the SC Chief Justice??

Should the plan of the PNP Dir Gen to resign when Noynoy holds office be admirable??

What would this new Noynoy government has in store for us??

Tubig pa nga! Mainit!

Sunday, May 02

I watched Paano Na Kaya this morning when I woke up. Now am stuck to the song. It was barely 5am when I got out of bed to watch the movie. The movie Miss You Like Crazy has just ended on our big screen too. These 2 pinoy movies are a hit on my heart. Fairly moving. Although if you have seen One More Chance by the same actors you could pretty much say that the plot was the same.

Last night Cheng came with Tope and did a demo on Galvanic Spa by Nu Skin. They presented the business opportunity too. I dunno. Am not really into it now.

Slept late coming from work last night so I had to spend whole evening sleeping. This weekend will be dedicated for rest and watching movies ey.

I spoke with Mom today on funding for housing improvements. They wanted to have the 2nd floor of the Guinobatan house constructed. We also talked about my youngest brother's challenges at school flunking 3 subjects and wanting to move to another school. I have yet to speak with this young man.

Its pretty warm in here. Summer is not yet over although there are occasional rain showers. Am not sure as to why. I have no idea. Its just freak'n warm and I can't stand it. I have to stay in my room all day and our electric bill has gone really high.

Back to watching another movie, after lunch.

Saturday, May 8, 2010

Renz








 This is Renz


Hotmail: Free, trusted and rich email service. Get it now.

Friday, April 30, 2010

Friday, April 30

Paano Na Kaya

Bugoy

 

I really love this songs. It sinks in, big time. Although I have not experienced yet falling in love with a friend (I won't befriend them in the first place if I like them, hahaha, that will just make it complicated) this makes a lotta sense.

 

It's Friday. Last day of work. Heading to a weekend. I have a lot of things to wrap up. This new HH QA Director is simply toxic. That's why I hate new people coming in coz they ask you to do a lot of whatever they think at the moment and use you to fill their gap of understanding, trying to blend in. sucks!  big time! And now I have a deadline to beat that was packaged as a quiz on what I know. Clever! This will simply feed her lack of utter sense to understand what she got into to begin her new life. She sucks, right?

 

Sounds… sound trip… sounds… more sounds… sound trip…

 

Going back to Bugoy. Others hate his rendition.  Pero ako, I love it. Not big time loving how it was sang but I am thrilled with the song. I find it kind-ah naughty. Challenges of falling in love with your friend huh?!

 

Gotta go back to sleep… Work later… ZZzzz

Thursday, April 29, 2010

Thursday, April 29, 2010

Thursday, April 29, 2010

3:14 PM


That was heck busy yesterday from meetings to calls. Mitz and I barely ate. We snatched food around 5am already and I stayed til about 9am. Glad I was able to deliver the MBR decks though I barely reviewed those with me being out of the office.

Heading back home I had the chance to reply back to Pao's (Castillo) SMS and he's now in college with a scholarship being a varsity team member (all info coming from him). IT. Tri-Sem. Informatics Cainta. Looking for a sponsor. Anyone?

My allergic rhinitis is still kicking in. I have been sneezing and coughing. Got something building up my throat, baaarrrfff!

Wednesday, April 28, 2010

Wednesday, April 28, 2010

Wednesday, April 28, 2010

5:21 PM


Just done watching a movie and going back to work tonight. Have been out Mon and Tues and I am freak'n blogging right now and I have to be there early to prep for the MBR, jeez...

Got hold of Paolo (Castillo) on chat right now. Wala lang.

Last night I dropped by to see Nho sa bday ng pamangkin nya. 1st Bday ng anak ni Bhoy and Lis, si Von. Went home to rest shortly after.

Pao and Ash were here for a visit for two fuck'n days.

Pao (Castillo) just messaged na gusto nya bumalik sakin.

Monday, April 19, 2010

Monday shift 20.04.2010

Monday shift sana sa opisina pero hindi ako pumasok. Andito ako sa bahay at ang bagal ng internet connection. Globe tattoo ang salarin.

Friday, April 16, 2010

Jamming with Dustin




Dustin and Friends




Saturday, April 10, 2010

Saturday 10 April 2010

May outing (swimming) ang Cainta Beki tropa pero wit akez jo-join. Strike muna.

Mamaya i-de-deliver yung glass ng dining set sa bahay. Pinagawa ko ito sa kababayan naming may shop sa Tikling kaya malamang andun ako sa kanila sa hapon tatambay at inuman na naman ang kahihinatnan nito.

Who Am I - Casting Crowns - maganda yung song, pang senti pero mas pang Amen Amen itoh. Ganun pa man, maganda...

Malapit na ang eleksyon, wala pa rin akong ticket pauwi sa amin. Matutuloy pa kaya ang eleksyon sa Mayo??? Baka masayang lang ang ticket ko at magka kudeta sa linggong ito, harharhar!

Miss ko na si Duztin, ang pinsan ng EX kong isip bata, hehehe, walang kwenta. After a month naming mag break saka ko lang na realize na wala pala syang kwenta, hahaha, loko lang. Mabalik tayo kay Duztin. Ginulat ako ni Duztin nun Lunes ng madaling araw habang ako'y naka tambay sa aming tambayan/tindahan at nagpasundo. Sa bahay sya natulog. Syempre alam mo na. Wika nga ng isa kong tropa, ano ba naman ang gagawin ng bakla at lalake pag magkasama, alangan namang magtitigan lang sila, di ba, hehehe. Ayun... Miss ko lang sya kase nawawala sya sa sirkulasyon ng buhay. Sana makasama ko ulet sya. Naalala ko tuloy nun nag meet kami. 2 days pa lang kami nun ni Jeff. Sa isip ko lang, bakit di kita nakilala agad, hahaha. Nahuli syang dumating. Kun damting lang sana sya ng mas maaga aga pa eh pinagbalakan ko na sana sya ng masama nuon pa, hahaha. Ganun pa man, nangyari na ang nangyari nun Lunes at na experience na rin nya for the first time kun pano makasama sa pagtulog ang bakla sa kama, bwahahaha. Sadyang malambing itong si Duztin kaya gusto ko sya. May kabaitan. Cute ngumiti. Yun nga lang sadyang maliit lang sya, datapwat hindi yung kanya, hahaha.

Nakakatawa.

Masaya.

Naalala ko rin tuloy si King. Pasensya na. Sa tagal kong di nag blog eh malamang alam nyo na na litanya ito. Sorry, my dear blog at ka-bloggerzz...

Si King naman ay dakila at nakilala ko nun Semana Santa. Anak ng Hapon. Anak ng, ang puti. Payat. Pero ang puti. Lumipas na ang isang linggo, ramdam ko pa rin sya sa aking kalamnan. Beware mga bakla. Baka mag enjoy ka ng todo, panalo sya!

Nag re-reklamo na ang empleyado ko sa paulit-ulit na pagtugtog ng "Who Am I" sa speakers ko. HAHAHAHA Pinalitan ko na ng Half Of My Heart ni John Mayer

Friday, March 26, 2010

Friday 03.26.2010

There isn't a moment. There isn't a Luniversary.
New pics posted on several albums.
Long overdue but still worth keeping.
A lot of pictures from the past.

Christmas 2009 Video 2




Christmas 2009 Video 1




Family Christmas 2009




2009 Holidays at home (Cainta), trips to Antipolo and Marikina

HH Team




HH QA, OPS, friends, etc

QA Management Team Building




La Luz
Laiya Batangas

Cainta Beki Tropa




Circle of friends in Cainta
Photo Op
Christmas Party 2009

Jeff "palaka" Javier




Jan 14 - Feb 14 2010

Friday 03.26.2010

There isn't a moment. There isn't a Luniversary.
New pics posted on several albums.
Long overdue but still worth keeping.
A lot of pictures from the past.

Sunday, January 31, 2010

01 Feb 2010

aaayyy ang tagal ko ng hindi naka pag blog!
Malapit na ang Valentines at Luniversary (more known as monthsary, coined from the word Lunar for months) namin ni bhie Jeff. San kaya ang aming moment?